Tinatayang tatlong (3) bilyong pisong halaga ng mga pekeng produkto ang sinira ng Bureau of Customs (BOC) sa San Pedro City, Laguna.
Nasabat ang mga pekeng pabango, shampoo, sabon, lotion at make-up sa isang operasyon noon pang 2017 sa Tondo, Maynila.
Ayon kay Jeremias Leaño ng auction and cargo disposal section ng Port of Manila, posibleng sa Pilipinas ginawa ang mga nasabing produkto.
Kasama rin ng BOC sa operasyon ang mga legal counsel ng mga kumpanyang nagmamay-ari sa pekeng produkto.
Pinaalalahanan naman ni Leaño na huwag tangkilikin ang mga counterfeit product upang makaiwas sa posibleng negatibong epekto nito sa katawan.