Asahan na bukas, Martes, ang tatlong pisong dagdag-singil sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon sa ilang kumpaniya ng langis, posible pang pumalo sa P5 ang dagdag singil sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod pa na linggo bunsod ng walang tigil na bakbakan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ito na ang ika-10 sunod na linggong taas singil sa presyo ng langis kung saan, maglalaro mula P5.30 centavos hanggang P5.50 centavos ang singil sa kada litro ng Diesel; inaasahan namang tataas ng P3.60 centavos hanggang P3.80 centavos ang kada litro Gasolina habang aabot naman sa P4.00 hanggang P4.10 centavos ang singil sa kada litro ng Kerosene.
Matatandaang noong nakaraang linggo, tumaas ng mahigit $100 ang presyo ng langis kada bariles habang maglalaro naman sa $110 ang bawat bariles ng krudo at posible pa itong pumalo sa $116 kada bariles.
Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, nagtataas narin ng presyo ang mga pangunahing bilihin na itinanggi naman ng Department of Trade and Industry (DTI). —sa panulat ni Angelica Doctolero