Magbibigay ng tatlong milyong pisong ayuda ang Taguig City government para sa mga apektado ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon.
Ayon sa Taguig City government, bahagi ng ayuda ang tatlong libong (3,000) relief goods na naglalaman ng canned goods, bigas, face masks at hygiene kits.
Gumulong na rin ang medical mission ng Taguig City government sa Bagumbayan Central School sa Legazpi City kung saan nagbigay sila ng libreng check-up at gamot sa mga evacuee.
Ngayong araw naman isinasagawa ng Taguig City government ang medical mission sa bayan ng Sto. Domingo.
—-