Nai-turn over na ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang Endowment Fund check na nagkakahalaga ng P3-M sa Butuan Medical Center.
Ito’y sa pangunguna nina Ms. Emilyn Ubales, representative ng General Manager ng PCSO na si Royina Garma.
Tinanggap naman ang naturang tseke ni Mr. Roy Sereña, representative naman ni Butuan CIty Mayor Ronnie Vicente.
Saksi naman sa nangyaring turn over sina Butuan Medical COnsultant Johny Chua, Assistant City Accountant Fil Hamak, Butuan Medical Center OIC-Hospital Director Dr. Andre Malbas, PCSO Butuan Branch OIC-Manager Cedrick Recamara at Administrative Officer III Ghina Jaian.
Layon ng PCSO Endowment Fund Program na makatulong sa mga pangangailangang medikal ng mga pasyente na nasa charity ward ng naturang ospital.
Direkta namang naka-download ang nabanggit na pondo sa health facilities ng ospital upang magamit sa loob ng isang taon mula nang ito ay ini-release.