Nasabat ng Bureau of Customs ang mahigit P3-M halaga ng “kush”, isang mataas na uri ng cannabis o marijuana sa Pasay City.
Ayon sa boc, nanggaling ang package na naglalaman ng kontrabando sa California sa Estados Unidos at ipinadala sa Central Mail Exchange Center.
Idineklara anila bilang mga tsokolate, green tea, black tea at damit ang laman ng package na naka-consign sa isang taga Marikina City.
Agad namang itinurn over sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kontrabando habang ikinasa na rin ang follow up operations para madakip ang consignee ng package. —ulat ni Raoul Esperas (Patrol 45)