Nasabat ng mga otoridad ang nasa tatlong milyong pisong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Naga City, Camarines Sur.
Naaresto naman ang suspek na sina Nerissa Belga, 40 anyos at live-in partner nitong si Gian Carlo Banzagalez, 26 anyos, kapwa residente ng Barangay Concepcion Pequeña.
Ayon kay Senior Master Sergeant Tobias Bongon, Spokesperson ng Naga City Police, nakumpiskamula sa mga suspek ang 405 grams ng shabu na nakabalot sa packaging tape.
Nahaharap naman sila Belga at Banzagalez sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. —sa panulat ni Jenn Patrolla