Arestado ang isang babae sa bataan nang madiskubre ng Bureau of Customs Port of Clark (BOC-Clark) ang nasa tatlong milyong piso ng hinihinalang shabu na nakasilid sa isang maleta.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency-Region 3 (PDEA-3) kinilala ang suspek na si Arlyne Gemzon kung saan ang naturang maleta ay naka-consign sa kaniya galing sa South Africa.
Idineklarang mga damit lang ang laman ng padala ngunit nagpositibo ito sa iligal na droga pagdating sa x-ray, scanning at K9 sweeping operations.
Nang haluhughugin rin ang nasabing maleta ay nadiskubre ang mahigit apat na raang gramo (470) ng hinihinalang shabu.
Nahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Customs Modernization and Tariff Act.—sa panulat ni Airiam Sancho