Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte ng malaking papremyo para sa mga mananalo sa susunod na silent drill na inoorganisa ng Philippine Security Group (PSG).
Sa change of command ng PSG sa Malacañang Park, inanunsyo ng pangulo na handa siyang magbigay ng P3-milyon mula sa dating P1-milyon na pa premyo sa mananalo sa silent drill.
Ayon sa pangulo na maaaring sabihin ng iba na siya ay gaya-gaya ngunit nakita umano niya ito na ginagawa sa China kung saan mayroong military drill araw-araw sa kanilang pinakamalaking parke at nais din niyang gawin ito sa Pilipinas.
Sinabi ng pangulo na nais niya itong gawin sa harap ng bantayog ni Gat Jose Rizal para magsilbing inspirasyon sa mga kabataan at maituro sa kanila ang disiplina, paggalang sa mga otoridad at maging tapat at may pagmamahal sa bansa.
Magugunitang noong Disyembre 2019 nang inorganisa ng PSG ang kauna-unahang silent drill competition na sinalihan ng iba’t ibang units at sangay ng hukbong sandatahan.