Tuloy na ang programang P3 o Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso.
Ayon ito sa DTI o Department of Trade and Industry bagamat hinihintay na lamang ang implementing guidelines hinggil sa P3 na naglalayong magpahiram ng sapat na pondo para sa pagnenegosyo ng maliliit na mga negosyante sa bansa.
Ipinabatid ng DTI na target ng P3 ang mga market vendor at agribusiness owners na kabilang sa mga micro, small and medium enterprises.
Batay sa programa, uubrang makahiram ang mga maliliit na negosyante ng limang libo (5,000) hanggang tatlong daang libong piso (P300,000) at may buwanang interest na nasa 2.5% lamang.
Ang naturang programa ay ipantatapat ng DTI sa mga Indian nationals na nagpapautang ng 5-6 sa mga Pilipino o halos beinte (20) porsyentong interest rate.
By Judith Larino