Aprubado na ni Pangulong Noynoy Aquino ang proposed P3-trillion national budget para sa susunod na taon.
Inaprubahan ito ng Pangulo matapos ang isinagawang cabinet budget presentation kahapon.
Mas mataas ng 15-percent ang 2016 proposed national budget kumpara sa P2.6-trillion budget ngayong taon at katumbas ng 19.5 percent ng Gross Domestic Product ng bansa.
Pinakamalaking bulto ng national budget ay inilaan sa Department of Education (DEpEd), P436.5 billion; sinundan ng DPWH, P401.14 billion; Department of National Defense (DND), P172 billion; DILG, P156 billion; Department of Health, P128.5 billion; at DSWD, P107.6 billion.
Nakatakdang isumite ng Malacañang sa kongreso ang proposed budget matapos ang State of the Nation Address o SONA ng Pangulong Aquino sa Hulyo 27.
By Meann Tanbio | Aileen Taliping (Patrol 23)