Nagsimula na rin ang senado sa pagbusisi sa mahigit sa P3 trilyong pisong panukalang budget para sa susunod na taon.
Napag-alamang mga opisyal ng Development Budget Coordination Council ang unang isasalang sa Senate Committee on Finance na ngayon ay pinamumunuan na ni Senador Loren Legarda.
Una nang sinabi ni Legarda na titiyakin nila na ang panukalang budget para sa susunod na taon ay na aayon sa Sustainable Development Goals o SDG na siyang papalit sa millenium development goals na magtatapos ngayong taon.
Nasa 26.70 percent ng mahigit sa P3 trilyong pisong panukalang budget ang mapupunta sa Department of Education samantalang 24.16 percent ang sa Department of Public Works and Highways.
By Len Aguirre