Inaasahan ng Department of Budget and Management o DBM na makakamit ang halos tatlong trillion-peso spending target sa taong ito.
Sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno na optimistic sila na makakamit ang kanilang target o gagawin nila ang kanilang makakaya para makamit ito.
Nabatid na noong Agosto ay pumalo ang fiscal spending sa 201.6 bilyong piso na 13% na mas mataas kumpara sa 177 bilyong piso sa kaparehong buwan noong nakalipas na taon.
Sa mga huling araw ng Agosto, nasa 462.7 bilyong piso ng 3.35 trilyong piso obligation program para sa buong taon ang hindi na release.
Mula sa nasabing halaga, ang 236.8 bilyong piso ay naka-earmark o nakalaan na para sa special purpose funds.