Inaprubahan na ng Senate Committee on Finance ang panukalang 30.6 billion pesos na panukalang budget ng Department of Finance (DOF) para sa taong 2023.
Dahil dito, inaasahang ipapasa na sa plenaryo ng senate panel na pinangungunahan ni Senator Sonny Angara ang budget para sa final approval.
Nabatid na batay sa presenatasyon ni Finance Secretary Benjamin Diokno, kasama sa 2023 budget ang 4 billion pesos na alokasyon para sa modernisasyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC).
Mas mataas ang panukalang budget ng DOF sa susunod na taon kumpara sa 26.7 billion pesos noong 2021.