Halos 30 billion pesos na halaga ng tulong ang naibigay ng DBM sa iba’t ibang beneficiary sa unang 100 days ng Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr.
Kabilang sa mga nabigyan ng tulong, ayon sa DBM ang mga magsasakang naapektuhan ng Rice Tariffication Law, Vulnerable Households na naapektuhan ng inflation, mga nasa crisis situations at maging mga biktima ng bagyo at lindol.
Kasama rin sa mga ipinalabas na pondo ng DBM ang libreng sakay para sa mga commuter ng Edsa Carousel Route gayundin ang eligible public at private healthcare at non healthcare workers na bahagi ng COVID-19 healthcare response.