Inihain sa Kamara ang isang panukalang batas na magbibigay ng 30 bilyong pisong tulong pinansyal sa mga restaurant na apektado ng pandemya.
Ang batas na HB 7610 na inihain ni Antique Representative Loren Legarda ay naglalayong magbigay ng mga insentibo sa buwis at pagbabayad sa upa sa mga restaurant.
Ayon kay Legarda, nakapagtala ng 44% pagbaba sa mga benta ng serbisyo sa pagkain noong taong 2020, at maraming mga establisyimento ang kailangang magbawas ng tauhan o mapilitang magsara dahil sa pandemiya.
Gayunpaman, nanawagan si Legarda sa Kamara, na kailangan din ng restaurant industry ang ating tulong para mailigtas nila ang kanilang negosyo maging ang kanilang mga empleyadong umaasa sa kanilang kita.