Tinatayang P30 bilyong ang nawawalang kita ng bansa dahil sa cigarette smuggling.
Ayon kay Albay Representative Joey Salceda, chair ng Ways and Means Committee ng Kamara, ang bilyong-bilyong piso ay nawawala kada taon dahil sa iligal na pagpasok sa bansa ng naturang produkto.
Dagdag pa ni Salceda, ilan sa pupwedeng dahilan ang eco-zones sa iligal na kalakalan ng mga ito bunsod ng maluwag na umiiral na batas o anumang polisiya.
Kung kaya’t nanawagan si Salceda sa ilang kinauukulang ahensya ng pamahalaan gaya ng Bureau of Internal Revenue, Customs at iba pa para habulin at panagutin ang mga nasa likod nito.