Ni-reallocate ang nasa P30-bilyong pondo mula sa Build, Build, Build program ng gobyerno upang tugunan ang pangangailangan sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ito ang naging pahayag ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar, pwede aniyang kunin ang pondong nakalaan sa mga proyektong hindi pa mahalaga at maaaring i-delay.
Dagdag pa nito, hindi makaaapekto ang hakbang na ito sa mga flagship projects ng administrasyon lalo’t para naman ito sa government response.
Gayunpaman, positibo ang kalihim na maaabot ng kagawaran ang target nitong matapos na proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build program ng pamahalaan.