Tinapyasan ang aabot sa P30 bilyon ang pondo ng Philhealth.
Sa pagdinig ng mababang kapulungan, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na P110 bilyon ang orihinal na proposed budget ng ahensya para sa 2022 pero P80 milyon lang ang naaprubahan sa budget ng pangulo.
Ayon sa budget program ng Philhealth, gagamitin ang halos P80 bilyon sa health insurance premiums ng national household targeting system for poverty reduction, senior citizens, unemployed persons na may kapansanan at walang kakayahanng mga pasyente na kinilala ng DOH.—sa panulat ni Rex Espiritu