Aabot sa mahigit 30 milyong pisong halaga ng ari-arian ang natupok sa sunog na sumiklab sa Oton Public Market sa Iloilo.
Batay sa ulat, bigla na lamang umanong nakarinig ng kaguluhan sa loob ng palengke ang isang guwardiya, ngunit nang tingnan niya ito ay nasusunog na pala ang palengke.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), naging mabilis ang pagkalat ng apoy dahil gawa sa light materials ang karamihan sa mga tindahan.
Mahigit 300 stalls ang nasunog at nasa 80% ng merkado ang naabo.
Patuloy ang imbestigasyon ng BFP sa sanhi ng sunog at nangako naman ang Iloilo LGU na magkakaloob ng tig-5,000 pisong tulong sa mga naapektuhan nito.