Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) at Department of Agriculture (DA) ang mahigit P 30-M halaga ng dilaw na sibuyas sa mga container van.
Aabot sa higit 100,000 na kilo na mga sibuyas ang natuklasan noong November 29 habang tinitignan pa ng ahensya ang sinasabing kulang sa suplay nito.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary James Layug, magdudulot ito ng malaking panganib sa mga mamimili dahil hindi ito sumailalim sa ‘Food Safety Regulations’ ang kargamento.
Apektado rin anya ang lokal na sektor ng agri-fisheries dahil maaring may dalang ‘transboundary disease’ ang mga kargamento.
Samantala, irerekomenda ng mga otoridad mula sa Agriculture Department ang pagsasampa ng kaso sa BOC. - sa panunulat ni Jenn Patrolla.