Aprubado na ang halos P300-M na budget ng UP Philippine Genome Centers (PGC) sa Visayas at Mindanao.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga naturang pondo na nai-download na noong Linggo ay magpapalakas sa lingguhang Genome Sequencing Output mula 750 patungong 2,500 samples o 1,500 sa PGC main at tig 350 sa Visayas at Mindanao.
Mas mabilis aniyang makikita ang variants of concern ng mga taga Visayas o Mindanao kung nasa rehiyon na rin ng mga ito ang genome centers na inaasahang magiging operations sa susunod na isa’t kalahating buwan.
Sinabi ni Vergeire na nagsimula na ang training ng personnel mula sa UP Visayas at Mindanao bago gamitin ang pondo sa pagbili ng reagents, kits at iba pang equipment.