Dinipensahan ng Department of Education (DepEd) ang umano’y 300 milyong gastos ng ahensya sa isang out of town training.
Ayon kay DepEd Spokesperson Anne Sevilla, bawat isang kasapi sa mga training ay mayroong nakatalagang budget na 2,000 piso kada araw.
Ngunit aabot daw sa halos siyam na raang libong kalahok kaya lalaki ang magagastos.
Nilinaw din ni Sevilla na maliit na porsyento lamang sa kabuuang budget ng ahensya ang ginamit sa naturang training.
Matatandaang kinwestyon ng Commission on Audit ang gastos ng DepEd sa naturang training.