Nasa P300-M ang ‘umano’y ibinulsa ni Suspended BuCor Chief Gerald Bantag at iba pa, na sangkot sa hindi natapos na proyekto para sa pagtatayo at pagsasaayos ng mga bilangguan sa bansa.
Ayon kay Bureau of Corrections Officer-In-Charge Gregorio Catapang Jr. P 900 -M ang inilaang pondo para sa konstruksyon ng prison facilities sa Leyte, Davao, at Palawan at 100-M para sa pagre-repair ng correctional institution for women.
Iginiit pa ng opisyal na 60% lamang ang nakumpleto sa naturang proyekto mula sa nakuhang 95% na bayad para rito.
Nabatid na nagsimula ang repair at construction sa mga nasabing lugar noong 2022 at nakatakda sanang matapos noong August 2022.
Matatandaan sinabi rin ni Catapang na magsasampa siya ng kasong plunder laban kay Bantag bago matapos ang taong ito o sa unang bahagi ng taong 2023.