Naglaan na ng 300 million pesos ang senado para sa pagpapatayo ng Bagong Paliwan Bridge sa Antique.
Ito’y matapos bumagsak ang malaking bahagi ng tulay bunsod ng pananalasa ng bagyong Paeng.
Ayon kay Senador Loren Legarda, hiwalay ang naturang pondo sa pagpapatayo ng bagong tulay sa budget na nakalaan ngayong taon para sa pagsasaayos at reconstruction ng lumang tulay.
Dapat din anyang suriin ang lahat ng tulay sa bansa upang matiyak na ligtas na gamitin ang mga ito ng publiko.
Ipinanawagan naman ni Legarda sa Department of Public Works and Highways na magsagawa ng risk assessment sa lahat ng tulay sa bansa. —sa panulat ni Jenn Patrolla