Nasabat ng mga otoridad ang nasa halos P300M halaga ng mga smuggled na sigarilyo sa Sulu.
Ayon kay Lieutenant Chester Cabaltera ng Naval Forces Western Mindanao, mayroong nagbigay mg impormasyon sa kanila hinggil sa paparating na cargo vessel.
Pagdaong ng barko sa Sulu ay hindi nakapagbigay ng mga kaukulang dokumento ang kapitan nito.
Matatandaang ang lalawigan ng Sulu ang kadalasang drop off point ng mga smuggled na sigarilyo na nagmula sa Malaysia, Indonesia at iba pang mga karatig na bansa.