Nasa 30 billion pesos hanggang 40 billion pesos ang dapat ilabas ng administrasyon ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para matugunan ang kakulangan sa suplay ng bigas sa sacond half ng taon dahil sa tumataas na presyo ng fertilizer.
Ito’y ayon kay Department of Agriculture (DA) Undersecretary Fermin Adriano kasunod ng babala ni Agriculture Secretary William Dar sa posibleng pagtama ng krisis sa pagkain sa bansa.
Una nang sinabi ni Dar na may nagbabadyang food crisis sa Pilipinas bunsod ng taas-presyo ng farm inputs noong ikalawang semester ng 2022 dahil sa pandemya, pagtaas ng preasyo ng langis at patuloy na giiyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.