Iginiit ng Alliance of Health Workers sa Department Of Health o (DOH) na isauli sa mga ospital ang pondong aabot sa 30M piso.
Ito’y ayon sa pangulo ng grupo na si Robert Mendoza ay para magamit na benepisyo ng mga health workers tulad ng pagkain, accomodation at transportasyon sa ilalim ng bayanihan to recover as one act.
Sa panayam ng DWIZ kay Mendoza, abot-abot ang kanilang pagkadismaya nang sabihin sa kanila ng doh na nagamit na ang pondo para sa iba pang programa ng kagawaran.
‘Ang sabi nga ng department of health, sabi ni Asec. Beltran ay nagamit na ito para pambili ng vaccine pambayad sa mga health workers at iba pang programa ng department of health regarding sa COVID-19 ano sa pandemic na ito.’ Ani Mendoza sa panayam ng DWIZ.
Binigyang diin pa ni mendoza na mayroon pang P18B hindi nagamit na pondo sa ilalim ng bayanihan 2 na maaaring ipamahagi sa mga health workers.
‘Ito’y masakit talaga kasi alloted na ito sa mga health workers na sa ngayon sinasabi wala ng budget pero alam naman natin na na sabi nga ng Philhealth, mga senators, mga congressman na itong bayanihan na ito ay magtatapos ngayong june pero meron kang 18B na hindi unutilized, sinasabi nila na walang pera ang doh kumuha sila doon sa 18B para ia-lot doon sa mga health workers na nangangailangan ng benepisyo.’ Ani pa rin Mendoza sa panayam ng DWIZ.