Nasabat ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG ang aabot sa P32 milyong halaga ng pekeng sigarilyo sa isang warehouse sa Bulacan.
Naaresto sa ikinasang operasyon ang apat na suspek na kinilalang sina Zeng Qiangjian 42 anyos, Lin Shanxiong, 48 anyos, John Bejay Agujar, 25 anyos at Rodolfo Brosas, 25 anyos.
Nakumpiska ang mahigit isang libong karton ng ibat’ ibang brand ng sigarilyo at isang truck.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 7394 o ang the Consumer Act of the Philippines, RA 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines, at RA 1937 o Revised Tariff and Custom Law of the Philippines.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico