Inanunsiyo ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na aabot sa P323 ang bill rebate o diskuwento sa susunod na buwan para mga customer ng Maynilad water services na apektado ng water service interruptions.
Ito ay kaugnay sa ipinataw na parusa ng MWSS laban sa mga water concessionaire.
Ayon kay MWSS-Regulatory Office Chief Patrick Sy, sa pamamagitan ng Resolution no. 2022-02-CA, nakatakdang magpataw ng parusa ang kanilang ahensya sa maynilad matapos maapektuhan ang kanilang kustomer sa loob ng supply zone ng Putatan Water Treatment Plant o PWTP sa Abril.
Nagpasya ang nasabing ahensya na kailangang magbayad ng halos P64-M ng nasabing water concessionaire bunsod ng matagal na pagkaantala ng serbisyo ng tubig sa kanilang mga kustomer sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.
Sinabi ni MWSS-RO Deputy Administrator Evelyn Agustin na aabot sa 198,315 na kostumer ng maynilad ang kwalipikado para sa P323 rebate. —sa panulat ni Angelica Doctolero