Inihayag ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay 2nd District Rep. Joey Salceda na kinakailangan ng Pilipinas ng P326 billion na bagong kita kada taon para mabayaran ang utang nito sa ibang bansa.
Nabatid na pumalo na sa P12.68 trillion ang utang ng bansa hanggang noong katapusan ng Marso bunsod ng panghihiram ng gobyerno para matugunan ang problema sa COVID-19 at muling ibangon ang ekonomiya ng bansa.
Kasama din sa kailangang mabayaran ang interes sa naging utang ng Pilipinas kung saan, lumobo na sa 63.5% ang debt-to-GDP ratio noong buwan ng Marso.
Ayon naman kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno, manageable pa rin ang utang pero dapat na mapanatili ng susunod na administrasyon ang paglago ng ekonomiya ng bansa.
Samantala, inirerekomenda naman nina Chua at Salceda ang pagpapatupad ng mga reporma na magpapataas sa income generation ng bansa upang mahikayat ang mas maraming dayuhang mamumuhunan o nais magkaroon ng negosyo sa Pilipinas.