Iginiit ng Commission on Population and Development (POPCOM) ang pangangailangan na maideklarang national emergency ang teenage pregnancy.
Ayon kay POPCOM Executive Director Juan Antonio Perez lll, P33-B ang nawawala sa ekonomiya ng bansa dahil sa teenage pregnancy.
Sa report ng POPCOM, umaabot sa 1.2-M na kabataan ang nanganganak kada taon at 30,000 dito ang nagkakaroon pa ng ikalawang anak.