Tinatayang nasa P33-B ang nawawala sa Pilipinas dahil sa mga nasirang reef ecosystem sa Panatag Shoal at Spratlys Island sa West Philippine Sea.
Ayon sa siyentipikong si Deo Florence Onda ng University of the Philippine Marine Science Institute, bunsod ito ng ginagawang reklamasyon at iligal na pangingisda ng China sa katubigang sakop ng bansa.
Ang naturang halaga ay pagtataya batay sa benepisyong nakukuha ng bansa sa yamang dagat sa naturang dako.
Tinukoy din sa naging pagsusuri na mahigit 1,800 ektarya na ng coral reef sa nasabing mga lugar ang sirang-sira na.