Nasabat ng mga awtoridad ang tinatayang P331-M na halaga ng hinihinalang shabu sa isang operasyon sa Imus City sa Cavite.
Natimbog din sa nasabing operasyon ang isang mag-asawa na nagsabing hindi nila alam na ang laman ng mga nakuhang kahon ay naglalaman ng illegal drugs.
Iniwan lamang anila sa kanila ang mga nasabing kahon ng dalawang contact nila mula sa isang vehicle rental service company.
Gayunman, sinabi ng PDEA na ang mag-asawa ay under surveillance na nila nitong mga nakalipas na buwan.