Umapela ang ilang grupo ng government workers na itaas sa P33,000.00 kada buwan ang minimum wage sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga bilihin sa bansa.
Ibinase ito sa datos ng Philippine Statistics Authority na ang isang pamilya na may limang miyembro ay nangangailangan ng nasa P1,119.00 kada araw para mamuhay ng komportable sa Metro Manila.
Sa kasalukuyan, ang mga minimum wage earner sa gobyerno ay kumikita ng P12,517.00 kada buwan.
Bagaman tatanggap ng Adjusted Compensation ang lahat ng Government employee dahil sa ika-5 tranche ng Salary Standardization Law 5 na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, itataas lamang nito ang minimum monthly salary sa mahigit P13,000.00.
Samantala, pinag-aaralan na ng Department of Budget and Management ang susunod na tranche para sa mga civil servants sa susunod na taon. —sa panulat ni Hannah Oledan