Nasungkit ng isang mananaya sa Pasay City ang tinatayang 33 million pesos na jackpot prize sa mega lotto 6/45.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nahulaan ng mananaya ang winning combination number na 42-05-10-30-27-19 na nabili sa nasabing lungsod.
Sinabi ng PCSO na magtungo lamang sa kanilang main office sa Mandaluyong upang ma-claim ang kanilang premyo at magdala ng dalawang valid IDs kasama ang winning ticket. – sa panulat ni Angelica Doctolero