Arestado ang isang mangingisda sa buy bust operation na ikinasa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Bacolod City, Negros Occidental.
Kinilala ang suspek na si Benny Buenaventura, 21 anyos.
Ayon sa PDEA, nasabat kay Buenaventura ang nasa 340,000 pesos na halaga ng shabu.
Ikinukonsidera ang suspek bilang high value target dahil sa laki ng halagang narekober.
Nahaharap naman si Buenaventura sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. – sa panulat ni Hannah Oledan