Inaprubahan na ng Department of Science and Technology (DOST) ang P35.5-M na pondo para sa National Garlic and Other Agri-Food Condiments Research and Development (R&D) Center sa Batac City, Ilocos Norte.
Sa pamamagitan ng research center na itatayo sa Mariano Marcos State University (MMSU), inaasahang mapaparami ang produksiyon ng mga condiments na gawa sa sibuyas, luya, sili, paminta, at luyang dilaw.
Maliban dito, umaasa rin si Dr. Dionisio Bucao ng Garlic Research Center (GRC) ng MMSU, na dadami ang ani ng mga magsasaka mula 3.8 tonelada hanggang limang tonelada kada ektarya.