Natanggap na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang donasyong medical supply na nagkakahalaga ng P35-milyon mula sa Australia.
Kabilang sa donasyon ang mga personal protective equipment at suporta para sa 30-bed expansion ng Victoriano Luna Medical Center-AFP Medical Center Infectious Disease Ward.
Pormal na itinurn-over ni Australian Ambassador to Philippines Steven Robinson ang mga donasyon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, kahapon.
Kaugnay nito, nagpasalamat si Lorenzana sa tulong at suporta ng Australia sa bansa ngayong may kinakaharap na krisis bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.