Nakalikom ang kamara sa pamumuno ni House Speaker Martin Romualdez ng P35-M pledge para sa mga biktima ng Bagyong Paeng.
Abala naman ang mga tauhan ng Office of the Speaker at Secretariat Employees ng House of Representatives sa pag-aayos ng relief goods na ipamamahagi sa mga apektadong Pilipino.
Naglalaman naman ng mga delata, noodles, biscuit, bigas at tubig ang mga food packs.
Nagpasalamat naman si Romualdez sa mga empleyadong nagbigay ng oras para sa relief drive ng kamara. - sa panunulat ni Hannah Oledan
previous post