Nagkakahalaga ng P36 million na smuggled na produktong sibuyas ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC), sa Mindanao International Container Terminal Port sa Tagoloan, Misamis Oriental.
Ayon sa BOC, nakadeklarang “spring roll patti” at “plain churros” ang 12 container pero nang tignan ang laman nito ay pawang pula at puting sibuyas pala.
Nasabat ng mga otoridad ang mga produkto nitong August 11 na nagmula sa China at naka-consign sa Frankie Trading Enterprises and Primex Export and Import Producer.
Sa ngayon, inihahanda na ng BOC ang kasong isasampa sa mga may kagagawan matapos silang lumabag sa Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act at RA 10845 o Anti-Agricultural Smuggling Act.