Aabot sa 374,000 pesos na halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga awtoridad mula sa isang high-value target sa isang buy-bust operation sa Rosales, Pangasinan.
Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pangasinan ang suspek na si Marvin Placido na nahulihan ng 55 gramo ng umano’y shabu sa Barangay Carmen East.
Maliban dito, nakuha rin mula kay Placido ang isang mobile phone at isang Mitsubishi L300 na hinihinalang ginagamit sa illegal drug trade ng suspek na ngayo’y nahaharap sa kasong paglabag sa dangerous drugs act.