Nasungkit ng isang mananaya mula sa Davao Del Sur ang 38.2 million pesos na halaga ng jackpot prize sa grand lotto 6/42 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado ng gabi.
Ayon sa PCSO, swerteng nahulaan ng lucky bettor ang six-digit winning combination number na 39-42-23-33-32-12 na katumbas ng tumataginting na mahigit P38,200,752.
Para makuha ang premyo, magtungo lang sa tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at dalhin ang lucky ticket kasama ng dalawang valid identification cards.