Tiniyak ng NFA o National Food Authority na makaaasa na ng murang bigas ang publiko sa mga pamilihan sa pagpasok ng linggong ito.
Iyan ay makaraang mangako ang mga pribadong rice millers na babaan ang presyo ng kanilang commercial rice upang makatulong sa kakapusan sa suplay ng NFA rice.
Ayon kay NFA spokesman Rex Estoperez, gagabayan lamang nila ang mga pribadong rice millers kung paano nila maipakakalat ang mga murang bigas sa merkado na ibebenta sa halagang trenta’y otso pesos kada kilo.
Ang inaayos na lang ngayon ay yung listahan ng volume na ipapadala. Ang NFA, we will provide the support and monitoring. Pahayag ni Estoperez
Sa panig naman ni Senate Committee on Agriculture and Food chair Cynthia Villar, makatuwiran na ang trenta’y otso pesos na murang bigas sa mga pamilihan dahil nagmula naman aniya iyon sa mga lokal na magsasaka.
Talaga namang hindi naman dapat ganyan ang presyo ng bigas, medyo naaabuso lang, pero dapat mas mababa. ‘Yung NFA hinihingi nila na itaas ang buying price ng bigas, pag sinunod natin sila, 38 pesos din nila ibebenta kasi ‘yun ang suma-total. Kapag binili mo ng 20 pesos sa palay, 38 pesos mo ring maibebenta na bigas, pareho na rin whether it’s public or private. Paliwanag ni Villar