Umabot sa P39-M halaga ng ari-arian ang naabo sa naganap na sunog sa isang mall sa S. Soriano avenue, Brgy. Mabolo, cebu.
Ayon sa mga tauhan ng Cebu City Fire Marshal, nagsimula ang sunog sa APM Mall kung saan, rumesponde ang 62 fire trucks na nagtulong-tulong para maapula ang apoy.
Nabatid na umabot sa ikatlong alarma ang sunog na tumagal ng halos tatlong oras bago ito idineklarang fire out ng mga bumbero.
Dahil dito, 70 establisyimento ang tinupok ng apoy habang wala naman naiulat na nasawi o nasugatan sa insidente. —sa panulat ni Angelica Doctolero