Isinusulong ni Quezon Representative Mike Tan ang House Bill No. 4554 o Tulong Pangkabuhayan para sa mga Mangingisda Program Act na nagkakahalaga ng 3,000 kada buwan na maaaring mabago kada taon depende sa inflation rate.
Layon nito na suportahan ang mga mangingisdang apektado tuwing may kalamidad at tuwing “closed fishing season” alinsunod sa deklarasyon ng Department of Agriculture’s Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR).
Bukod pa dito ay ang pagbibigay ng kabuhayan, pang-medikal at iba pang social protection assistance para sa mga karapat-dapat na benepisyaryong mangingisda.