Ihinayag ng Department of Africulture (DA) na dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis ay nakatakda nang makatanggap ng P3K fuel subsidy ang mahigit 158K na magsasaka at mangingisda.
Sinabi ni assistant Secretary Noel Reyes na kinakailangan lang magpakita ng mga benepisyaryo ng kanilang id mula sa DBP upang makuha nasabing subsidy sa mga gasolinahan na accredited ng Department of Energy.
Nabatid na, ang unang P500M na pondo ay ginamit sa rollout, habang inaprubahan naman ni pangulong rodrigo duterte ang karagdagan pang P600M
Samantala, nauna nang sinabi ng da na mamamahagi rin sila ng P5K sa mga magsasaka sa ilalim ng rice competitiveness enhancement fund-rice farmers financial assistance. – sa panulat ni Mara Valle