Nasabat ng mga otoridad ang nasa halos P3M halaga ng hinihinalang shabu sa buy bust operation sa Quezon City.
Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa ilegal na aktibidad ng mga suspek.
Kinilala ang mga suspek na sina Saida Amatonding at Harris Amatonding na magpinsan mula sa Caloocan.
Bukod sa droga ay nakuha rin sa magpinsan ang 2 credit card, cellphone na ginagamit sa transaksyon at buy bust money.