Aprubado na ng Department of Budget and Management ang pagpapalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) na nagkakahalaga ng P4.1 billion para sa Department of Social Welfare and Development.
Ang nasabing halaga ay nakapaloob sa Targeted Cash Transfer o TCT Program na layuning maibsan ang epekto ng inflation sa mga pinakamahihirap na pamilya.
Ayon kay Budget secretary Amenah Pangandaman, ang pondo ay para sa second tranche ng mga benepisyaryo ng TCT Program na lubhang naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng krudo at iba pang bilihin.
Apat na milyong Non-4Ps member ang tatanggap ng tig-P500 sa loob ng dalawang buwan.
Tiniyak naman ni Pangandaman na patuloy ang pagsuporta ng gobyerno hangga’t makakaya upang mapagaan ang buhay ng mga mahihirap na pamilya.