Inihahanda na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P4.3-trilyon na national budget para sa susunod na taon.
Ipinabatid ito ni Budget Secretary Wendel Avisado na nagsabi ring target nilang maisumite sa Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing budget bago pa man ang State of the Nation Address (SONA) nito sa ika-26 ng Hulyo.
Gayunman, sinabi ni Avisado na kapag hindi nakahabol sa SONA, posibleng sa ikalawang linggo ng Agosto na nila maisumite ang 2021 budget para sa kaukulang pag-apruba ng pangulo at makapagsumite na rin sila nito sa kongreso.
Pagtutuunan ng pansin ng DBM na pondohan ang mga proyektong pang-imprastruktura at paggawa na kapwa pinakaapektado ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.