Sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na na-release na nito ang 97.4% ng 4.5 trillion pesos 2021 National Budget sa pagtatapos ng buwan ng Oktubre.
Sa isang pahayag sinabi ng DBM na nasa 115.57 million pesos ang balanseng naiwan sa pondo para sa buong taon.
Paglilinaw ng kagawaran na ang na-irelease na bulk allotments na nagkakahalaga ng 2.496 trilyong piso ay napunta sa iba’t-ibang departamento at ahensiya ng gobyerno. —sa panulat ni Joana Luna